
HOLY FILIPINO MASS TODAY || Jul 19 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG 6 a.m.
Catholic Church Mass Today July 19, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest July 19 Featured Playback . Banal na Misa Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 15th Week in Ordinary Time. ALELUYA 2 Corinto 5, 19 Aleluya! Aleluya! Pinagkasundo ni Kristo ang Diyos at mga tao; kaya’t napatawad tayo. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 12, 14-21 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, umalis ang mga Pariseo at nag-usap-usap kung paano ipapapatay si Hesus. Alam ito ni Hesus kaya’t umalis siya roon. Maraming sumunod sa kanya at pinagaling niya ang lahat ng maysakit, ngunit mahigpit niyang ipinagbilin sa kanila na huwag ipamamalita ang tungkol sa kanya. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias: “Naririto ang lingkod ko na ako rin ang humirang, minamahal ko nang labis, lubos kong kinalulugdan; ang banal kong Espiritu sa kanya ay ibibigay, sa lahat ng mga bansa ibabadha’y katarungan. Hindi siya makikipagtalo, mahinahon kung mangusap, ang tinig niya sa lansanga’y tinig lamang na paanas; hindi niya puputulin yaong tambong nakahapay, ni hindi rin papatayin ang umaandap na ilawan, hanggang itong katarunga’y mapagtagumpay niyang ganap; at ang pag-asa ng tao sa kanya ay ilalagak.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.