Oktubre 30, 2022 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass - Ika 31 Linggo sa Karaniwang Panahon

Oktubre 30, 2022 – San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass - Ika 31 Linggo sa Karaniwang Panahon

"Tungo sa isang Nakikinig, Mapaghilom at Mapagmahal na Pamayanang Pambilangguan” LINGGO NG KAMULATAN SA MGA BILANGGO Mga kapatid, sa ating ebanghelyo matutunghayan natin na habang siya ay bumibisita sa Jerico, nakatagpo ni Hesus si Zacqueo, isang mayamang publikano (maniningil ng buwis) na nililibak ng kanyang mga kababayang hudyo dahil umano sa pagiging tuso at traydor dahil sa kanyang paglilingkod para sa kapakanan ng Imperyong Roma sa halip na paboran ang interes ng mga sariling kababayan. Nang dumaan si Hesus, at dahil siya ay lubhang mababa at salat sa katangkaran, umakyat si Zacqueo sa isang puno ng sikomoro upang makita ng maayos si Hesus ng malapitan. Nang magtama ang kanilang mga mata, tinawag siya Nito at itinanong kung maari siyang manuluyan sa kanyang tahanan upang magpahinga at makipag kuwentuhan sa kanya. Masayang pumayag si Zacqueo, habang ang mga tao doo’y nagbulungan: “Siya’y nakiki salamuha at nakiisa sa isang makasalanan.” Ang ginawang ito ni Hesus ay hindi naunawaan ng mga tao nuon. Anila, bakit siya nakikipagkaibigan sa mga makasalanan? Hindi ba dapat ay sa mga mabubuti siya nakikisama? Hindi ba’t magiging marumi ni Hesus dahil dito? Hindi madaling maunawaan ang mga ginawang ito ni Hesus, lalo na para sa mga tao nuon. Nguni’t ito ay may napakagandang mensahe para sa atin: na naparito siya sa mundong ito para sa kaligtasan ng mga makasalanan. Simple lang ang kanyang proseso. Nakisalamuha siya sa mga makasalanan, nakisalo sa hapunan, nakinig sa kanyang kuwento at kinikilala nya ng malaliman ang mga katulad ni Zacqueo. At ito ay naging daan ngpagbabalik-loob at pagbabagong buhay ni Zacqueo. Ngayon, sa pagdiriwang natin ng Linggo para sa Kamalayan sa Kalagayan ng mga Bilanggo, ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga kapatid sa bilangguan na hinahatulan at hinuhusgahan ng ating lipunan. Sa pagdiriwang natin ng Eukaristiya, hilingin natin sa Diyos naipakita sa kanila ang kanyang pagmamahal upang matanto nila ang pangangailangan nila hindi lamang sa Diyos kundi maging sa mga taong nasaktan nila.Dalangin din natin na ating matamo ang biyaya na makapakinig ng mabuti sa mga kuwento ng mga nakabilanggo, at upang mabigyan ng tamang pagtugon sa kanilang mga suliraning kinakaharap. Atin ring ipanalangin ang mga miyembro ng “correctional community”upang tulungan tayong lahat na dumulog sa Diyos tungo sa kagalingan ng lahat. Visit our facebook page at:   / sanlorenzoruizparish   For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/