
Sunrise: Butihing Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw.
Sunrise Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay TEMA : Butihing Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw. Pagninilay: Kadalasang maririnig natin ang salawikaing ito: “Ang pagkikita ay pagsasampalataya!” Ngunit hindi laging ganun ang sitwasyon. Tuwing mga taong A, B at K ng linggong ito, pareho lang ang Salmong Tugunan (Salmo 117) at ang Banal na Ebanghelyo (Juan 20:19-31) dahil ipinapakita ng mga pagbasang ito ang pag-ibig at awa ng Diyos na parang isang karagatan, kaya nga tuwing linggong ito ay ipinagdiriwang ang Linggo ng Banal na Awa ng Diyos. Pagkatapos ang kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo, umalis si Apostol sa Santo Tomas dahil inahahanap niya ang kanyang kapatid na isang tagasunod sa Panginoon. Ang salitang ‘Tomas’ ay galing mula sa salitang Hebro na ‘Didymio,’ na may ibig sabihin “ang Kambal”. Hinahanap-hanap ng mga kawal ang mga alagad na malapit kay Hesus dahil ipinautos nito ng mga pinunong Hudyo kay Gobernador Poncio Pilato. Pero noong gabi ng ika-5 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan ng kinaroroonan nila dahil natatakot ang mga sampung alagad, lalo na si San Pedro na nagkaila sa Panginoon ng tatlong beses. At isang saglit, nagpakita ang Panginoong Hesukristo sa kanila na wala diyan si Santo Tomas. Pagkatapos dumating siya at ibinalita sa kanya ng mga minahamal na kapatid na apostol na nabuhay nga ang kanilang Guro, ngunit tinanggi niya ito at maniniwala siya kung makikita niya ang mga sugat ng Panginoon. At nangyari nga nang makalipas ng isang linggo, noong ika-12 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan pa rin kung saan natitipon ang mga alagad na kasama na nila si Tomas. At ganun nga, nagpakita si Hesus at tinanggal niya ang pagdududa ni ng Apostol tungkol sa Muling Pagkabuhay sa pananampalataya. Buong pananampalataya sinabi ni Tomas: “Diyos ko at Panginoon ko” (Juan 20:28)! Kaya ipinakita ni Hesus ang bagong salawikain: “Ang pagsasampalataya ay pagkikita!” Pinalad niya ang mga taong hindi nakikita sa kanya pero naniniwala. Ang ating Ebanghelyo ay nagpapakita sa Mabathalang Awa ng Diyos na parang isang karagatan. Alam natin na ang karagatan ay ang pinakamalaki at pinakamalawak na anyo ng tubig. Ganyan din ang awa ng Diyos dahil tulad ng isang karagatan na hindi natin alam kung saan natatapos, hindi kukupas ang kanyang pag-ibig at awa, kaya tunay nga nakasabi sa tugon ng Salmong Tugunan ngayon: “Butihi’y Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw” (Salmo 117:1). At sabi nga ng karamihan: “Kung gaanong kalalim ang naranasang awa ng Diyos, ganoon din kalalim ang pag-ibig ng Diyos na nararanasan. At dahil sa awa at pag-ibig na ito ng Diyos, sumisibol ang pananampalataya na handang magtaya, kahit ng buhay at kamatayan para sa Diyos at kapwa.” Sa ating paglakbay sa daan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nawa’y maranasan natin ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at ibahagi at iparamdam ang mensahe ng awa sa ating mga kapwa, lalung-lalo na ngayong Hubileyo ng Habag. SUNRISE" is a weekly reflection for the SJDEFI Family. The title is based on the Gospel of St. Luke 1: 78-79 which says, "Because of the tender mercy of our God, where by the 'SUNRISE' shall visit us from on high to give light to those who sit in darkness and in the shadow of death, to guide our feet into the path of peace.” “SUNRISE” gives LIFE to our weary body and soul; HOPE to the promise of possibility; PEACE to go deeper to self and deepening relationship with God; and, LOVE to do or live what God desires. Be a SUNRISE to others! DISCLAIMER: SJDEFI don't own the COPYRIGHT of the song.