Mga Pagbasa ngayong Sabado | 15 ng Pebrero 2025 | Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon
Mga Pagbasa ngayong Sabado 15 ng Pebrero 2025 Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon UNANG PAGBASA Genesis 3: 9-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Tinawag ng Panginoon Diyos ang lalaki at tinanong, “Saan ka naroon?” “Natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat ako’y hubad,” tugon ng lalaki. “Sinong may sabi sa iyong hubad ka?” tanong ng Diyos. “Bakit kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?” “Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki. “Bakit mo naman ginawa iyon?” tanong ng Diyos sa babae. “Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” tugon naman niya. At sinabi ng Panginoon sa ahas: “Sa iyong ginawa’y may parusang dapat, na tanging ikaw lang yaong magdaranas; ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad, at alikabok ang pagkaing dapat. Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban. Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.” Sa babae nama’y ito ang salaysay: “Sa pagbubuntis mo ay mahihirapan, lalo kung sumapit ang ‘yong pagluluwal; ang lalaking ito na asawang hirang, susundin mong lagi habang nabubuhay.” Hinarap naman ng Diyos si Adan at ganito ang sinabi: “Pagkat nakinig ka sa asawang hirang nang iyong kainin yaong bungang bawal; sa nangyaring ito, ang lupang tanima’y aking susumpain magpakailanman, ang lupaing ito para pag-anihan pagpapawisan mo habang nabubuhay. Mga damo’t tinik ang ‘yong aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakanin; upang pag-anihan ang iyong bukirin, magpakahirap ka hanggang malibing. Yamang sa alabok, doon ka nanggaling sa lupang alabok ay babalik ka rin.” Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan. Ang mag-asawa’y binigyan ng Panginoon ng mga damit na yari sa balat ng hayop. Sinabi ng Panginoon: “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Hindi na siya dapat tulutang kumain ng bungangkahoy ng buhay at baka hindi na siya mamatay.” Kaya, pinalayas sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. Pinalayas nga siya ng Diyos, at sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay siya ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 89: 2. 3-4. 5-6. 12-13 T. Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. MABUTING BALITA Marcos 8: 1-10 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos Noong mga araw na iyon, muling nagkatipon ang mga tao. Naubos na nila ang kanilang pagkain, kaya’t tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, “Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain. Kung pauuwiin ko nang gutom, mahihilo sila sa daan – galing pa naman sa malayo ang ilan sa kanila.” “Saan po tayo kukuha ng tinapay dito sa ilang para magkasya sa ganito karaming tao?” tugon ng mga alagad. “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Hesus. “Pito po,” sagot nila. Ang mga tao’y pinaupo ni Hesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay, at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Gayun nga ang ginawa ng mga alagad. Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Muli siyang nagpasalamat sa Diyos, at iniutos niyang ibigay din iyon sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga pira-pirasong tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki. At may apatnalibo ang kumain. Pinayaon ni Hesus ang mga tao, saka siya sumakay sa bangka, at nagtungo sa lupain ng Dalmanuta. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #filipinoholyeucharist #gospel #devotion #MabutingBalita #fypシviralシ2024 #fypシ゚viralシ #fypシ゚viral #fypシ゚ #virals ============================== Send your prayer petition and prayer request to [email protected] and we include your request into our 2000 Hail Mary's Devotion to Our Blessed Virgin Mary every 1st Saturday of the month.