HOLY FILIPINO MASS TODAY || Sept 29 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Church Mass Today September 29, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest Setyembre 29 Featured Playback . Banal na Misa Sabado ng Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 26th Week in Ordinary Time. ALELUYA Salmo 102, 21 Aleluya! Aleluya! Ang Panginoo’y purihin ng lahat n’yang mga anghel na tapat at masunurin. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Juan 1, 47-51 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus si Natanael, ay kanyang sinabi, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi mandaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “Nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!