
Disyembre 23, 2023 - San Lorenzo Ruiz Parish Online Mass - Ika-8 na araw ng Misa De Gallo
Di Binibigo ng Diyos ang Kanyang Bayan Sa pakikigalak natin kina Elisabet at Zacarias sa pagsilang ni Juan ngayong ikawalong araw ng ating nobena, inaanyayahan tayong magnilay sa katapatan ng Diyos sa Kanyang mga pangako. Wala Siyang binibigo. Ang buong kasaysayan ng kaligtasan ay maluwalhating pagtupad sa Kanyang mga pangako. Ang katapatan ng Diyos ay paalaala rin sa atin upang sa wakas, tayo’y maging tapat din at maaasahan sa ating mga pangako sa Diyos at sa kapwa – ano man ang mangyari. Si Juan Bautista man ay naging tapat sa kanyang misyon hanggang sa kanyang kamatayan. Gayon din si Hesus . . . at gayon din dapat tayo upang maging karapat-dapat sa ating pagka-“disipulo ng Panginoon.” Sa Eukaristiya ngayon, idalangin natin para sa lahat ng mahal natin at para rin sa ating sarili ang biyayang katapatan sa ating mga pangako sa bautismo. Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/ Visit our facebook page at: / sanlorenzoruizparish For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/