
May 21 | Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ni Hesus sa Langit
📺 Ang Luwalhati at ang Misyon Anong nararamdaman mo kapag umaalis si nanay o si tatay patungo sa kani-kanilang mga trabaho at maiiwan ka sa bahay na mag-isa? Hindi ba parang medyo natatakot tayo kasi wala sila. Paano kung may dumating na humahanap sa kanila? Paano kung may hindi magandang mangyari habang wala sila? Sa mga panahon ngayon na may mga gadget at internet na, napakadali na silang matawagan, maaari pa ngang sa video kung gusto natin. Pero paano naman noong unang panahon na walang teknolohiyang katulad nito? Ganito ang nangyari sa mga apostoles ni Hesus nang magsabi Siyang Siya ay paparoon na sa langit. Ano nga ba ang naramdaman ng mga apostoles noong mga panahon na iyon na sinabi ni Hesus na hindi na nila Siya makikitang pisikal? Panoorin natin ang video Ebanghelyo sa linggong ito at samahan si Sr. Mary Ann Rivera ng Franciscan Immaculatine Sisters. I-download ang mga worksheets dito 👇👇👇 https://www.katolago.com/liturgyfun-full