Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  17 Aug  2024  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 17 Aug 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Sabado ng Ika-19 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. August 17, 2024 Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 1-10. 13b. 30-32 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinabi sa akin ng Panginoon, “Ano ba ang ibig ninyong sabihin sa kasabihan ninyong, ‘Ang ama ang kumakain ng maasim na ubas ngunit ang anak ang nangingilo’?” “Buhay ako,” sabi ng Panginoon, “hindi ninyo magagamit ngayon ang kasabihang ito sa Israel. Akin ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama o sa anak, at ang kaluluwang magkasala ay mamamatay.” “Halimbawa na may isang taong masunurin sa Kautusan, tapat at lumalakad sa katuwiran. Hindi siya nakikisalo sa handog na inihain sa mga burol, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan ng Israel. Hindi siya nangangalunya ni sumisiping sa babaing pinapanahon. Hindi siya nandadaya ng kapwa o nagnanakaw. Ibinabalik niya agad sa may-ari ang sangla ng nangungutang sa kanya. Marunong siyang tumulong sa nangangailangan. Hindi siya nagpapatubo sa pagpapahiram ng pera. Siya ay makatarungan. Sinusunod niya ang aking mga utos at mga tuntunin. Ang ganitong tao ay matuwid at mabubuhay siya. Sakaling magkaanak siya ng magnanakaw, mamamatay-tao at nagpapatubo, palagay ba ninyo’y mabubuhay ang anak na ito? Hindi! Tiyak na mamamatay siya dahil sa mga kasuklam-suklam niyang gawain. Kung magkagayon, walang ibang dapat sisihin kundi siya. Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo’t tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa. Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay pagkat di kayo dapat mamatay, mga Israelita. Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, kaya magpakabuti na kayo upang mabuhay.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 50, 12-13. 14-15. 18-19 D’yos ko, sa aki’y likhain tapat na puso’t loobin. Isang pusong tapat sa aki’y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin; ang Espiritu mo ang papaghariin. D’yos ko, sa aki’y likhain tapat na puso’t loobin. Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas, ibalik at ako ay gawin mong tapat. Kung magkagayon na, aking tuturuang sa iyo lumapit ang makasalanan. Diyos ko, sa aki’y likhain tapat na puso’t loobin. Hindi mo na nais ang mga panghandog; sa haing sinunog di ka nalulugod. Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat. D’yos ko, sa aki’y likhain tapat na puso’t loobin. ALELUYA Mateo 11, 25 Aleluya! Aleluya! Papuri sa Diyos Ama pagkat ipinahayag n’ya Hari s’ya ng mga aba. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 19, 13-15 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, may nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at ipanalangin. Ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad. Datapwat sinabi ni Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.” Ipinatong niya sa kanila ang kanyang kamay, saka umalis. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas