REFLECTION ON THE FEAST OF OUR LADY OF GUADALUPE (DECEMBER 12, 2022) | HOMILY | DOM LORENZO, SSCV

REFLECTION ON THE FEAST OF OUR LADY OF GUADALUPE (DECEMBER 12, 2022) | HOMILY | DOM LORENZO, SSCV

Pista ng Guadalupe MON. DEC 12. 2022 Pingunahan ni Pope Francis ang Misa sa Pista ng Birhen ng Guadalupe na tinaguriang “Empress of America and Patroness of the Philippines.” Ginanap ang paggunita sa St. Peter’s Basilica, Roma at dinaluhan ng daan-daang deboto, karamihan ay mula sa Timog Amerika, Pilipinas at iba’t ibang panig ng daigdig na may espesyal na pamimintuho sa Birhen. Sa kanyang Homiliya, binigyang-diin ng Santo Papa ang patuloy na pamimintuho ng Simbahan sa Birhen ng Guadalupe sa gitna ng ‘krisis’ na hinaharap ng Simbahan sa kasalukuyang panahon sanhi ng giyera at kawalan ng katarungan Gayunpaman, giit ni Pope Francis nananatiling ‘sumasa-atin’ o kapiling natin ang Diyos sa presensiya ni Maria. Sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap ng sangkatauhan na nagbubunsod sa animo’y ‘madilim at nakaliligalig’ na kinabukasan, hinimok ni Pope Francis ang tanan na magkaisa sa pagkakapatiran ng tanan at isantabi ang pagiging makasarili. “Mary wants to stay with us. She begs to be our mother, to open our lives to her Son Jesus and to welcome His message so as to learn to love like Him.” Sa huli, paaanyaya ng Santo Papa, “I urge all members of the pilgrim Chruch in the Americas, pastors and faithful to participate in the journey that aims to promote an encounter with God through Our Lady of Guadalupe, for the renewal of the social and ecclesial fabric of these peoples and communities… so that the peace of the Lord may dwell in our hearts and in the hearts of all men and women of good will.” Matatandaan, sa paayaya ng Simbahan para sa nasabing selebrasyon, hinimok ng Pontifical Commision for Latin America ang mga mananampalataya “to rediscover the profound meaning of the presence of Jesus Christ through Mary... for her extraordinary example of evangelization challenges us to find ways for the promotion of the common good for all mankind.” Saad ng komisyon, “Guadalupe invites us to appreciate, with new strength, the beauty and dignity the presence of women, the much-needed protagonism of the laity, the option of the poor, synodality as a dynamic dimension of communion, and to adopt a radical orientation of all life toward Jesus Christ. We are all called to build a “sacred house” in which faith can be proclaimed in freedom.” Ilang araw matapos ang Pista ng Immaculada Concepcion, muli na naman nating pinararangalan si Maria sa titulo bilang 'Our Lady of Guadalupe.’ Tampok sa selebrasyon ang paggunita sa aparisyon ng Mahal na Ina noong 1531 kay San Juan Diego na pinagkalooban ng larawan nito sa damit ng simpleng magsasaka bilang prueba sa Obispo na humingi ng senyal sa pagiging tunay ng aparisyon. Kamangha-mangha ayon sa mga siyentipiko na sa halos 500 taon, ang balabal ni San Juan Diego ay hindi nagpakita ng anumang pagka-agnas. Nagtataka ang mga dalubhasa kung bakit ang materyal ng nasabing ‘tilma’ ay nanatiling matibay at buo matapos itong mabuhusan ng nitric acid noong 1785 at di nasira sa pambobombang naganap sa basilika noong 1921. Ayon kay Dr. Adolfo Orozco, "All the cloths similar to the tilma that have been placed in the salty and humid environment around the basilica have lasted no more than ten years. The original tilma was exposed for more than 116 years without any kind of protection, receiving all the infrared and ultraviolet radiation from the tens of thousands of candles near it!” Walang masabi ang mga dalubhasa kundi “beyond any scientific explanation” ang balalabal ni San Juan Diego na nagtagtaglay ng litrato ng Mahal na Ina. Sa loob ng halos 500 taon, patuloy ang pagmimilagro ng Birhen sa nasabing lugar at sa buhay ng mga deboto. Sa Pista ng Mahal ng Birhen ihabilin natin sa Diyos ang ating buhay at buhay ng mga kabataan ngayong mga panahong walang katiyakan. Nuestra Señora de Guadalupe, ruega por nosotros!