MCGI Cubao Aurora, Quezon City Chapter (Worship Service) October 8,2025 #proudmcgi #bombomlakwatsero

MCGI Cubao Aurora, Quezon City Chapter (Worship Service) October 8,2025 #proudmcgi #bombomlakwatsero

#ProudMCGI #BombomLakwatsero DALAW LOKAL: Sa bawa't Members Church of God International (MCGI) Chapter na aking pinupuntahan ay masarap sa pakiramdam na makita ko ang aking tunay na mga kapatid sa pananampalataya na nagiibigan at naglilingkuran lalo na noong makita ko ng mukhaan ang aking akay na Si Bro. Venjon Lunas sa Lokal ng NHV, Norzagaray, Bulacan. 🫶 MCGI North Hills Village Chapter, Norzagaray, Bulacan 🫶 MCGI Calbayog Chapter, Calbayog City, Samar, Eastern Visayas 🫶 MCGI Cubao Aurora Chapter, Quezon City, National Capital Region 🫶 MCGI San Jose Chapter, Tacloban City, Leyte, Eastern Visayas "Datapuwa't tungkol sa pagiibigang kapatid ay hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na mangagibigan kayo sa isa't isa;" - 1 TESALONICA 4:9 "Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo." - GALACIA 5:13 ========================================= Ang mabuting bagay ay hindi rin natin magagawa kung wala tayong pananampalataya. Kung masikap o maningas tayo sa pagiiibigan ay walang puwang ang bulung-bulungan sa kapatiran. Kung tayo'y mabuting katiwala sa kaloob o biyaya na sumasagana na bigay ng DIOS AMA sa loob ng bayan na mapagpakumbaba ay ipaglingkod natin sa isa't-isa. Sa pamamagitan ng pagiibigan, tayo ay maglingkuran ng kaloob na binigay sa bawa't isa sa atin ni CRISTO at ng DIOS na Makapangyarihan. Kung ang kaloob ay hindi ipinaglilingkod, hindi iyon galing sa DIOS at kay CRISTO, nangangahulugan din na siya ay palalo. Tayo ay bayan na sa isa't-isa ay naglilingkuran. Kung hindi kaloob sa iyo ang maging lider, mangaawit o tagapagturo ay huwag kang maglider-lideran o kunin ang kaloob na hindi naman para sa iyo. Ang ating PANGINOONG HESUCRISTO ang kinauuwian ng biyaya na ikaliligtas ng ating kaluluwa na binigay ng DIOS AMA sa mababa o sa mapagpakumbaba. Maraming salamat po sa DIOS.💖 TO GOD BE THE HIGHEST PRAISE, HONOR, AND ALL THE GLORY, FOREVER! 💙💛❤️ (Pasalamat ng Buong Bayan - October 25, 2025)