Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  7 Nov  2024  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 7 Nov 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Huwebes ng IKA-31 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. November 07, 2024 UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, alalahanin ninyong hindi sila kundi tayo ang tunay na tuli, sapagkat hindi tayo nanghahawak sa mga panlabas na tuntunin. Ang pagsamba natin sa Diyos ay sa Espiritu at na kay Kristo Hesus ang ating kagalakan. Kung sabagay, mayroon akong sapat na dahilan upang manghawak sa mga panlabas na tuntunin. Kung iniisip ninuman na may katwiran siyang magtiwala sa ganitong gawain, lalo na ako. Tinuli ako sa ikawalong araw mula nang ako’y isilang. Ako’y katutubong Hebreo, tunay na Israelita, buhat sa angkan ni Benjamin. Kung pagsunod sa kautusan ang pag-uusapan, ako’y Pariseo. At sa sigasig ng aking pagsunod, inusig ko ang simbahan. Kung sa pagiging matuwid naman ayon sa kautusan, walang maipipintas sa akin. Ngunit dahil kay Kristo, ang mga bagay na maaari kong ibilang na pakinabang ay inari kong kalugihan. Oo, inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Kristo Hesus na aking Panginoon. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. o kaya: Aleluya. Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay. Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya. Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan. Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa, ang kanyang paghatol, gayun din ang kanyang ginawang himala. Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham, gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang. Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos, sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob. Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. ALELUYA Mateo 11, 28 Aleluya! Aleluya! Kayong mabigat ang pasan ay kay Hesus maglapitan upang kayo’y masiyahan. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 15, 1-10 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Hesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila, “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito. “Kung ang sinuman sa inyo ay may sandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan, hindi ba? Kapag nasumpungan na’y masaya niyang papasanin ito. Pagdating ng bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi’t tumatalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi. “O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanaping mabuti hanggang sa masumpungan ito, hindi ba? Kapag nasumpungan na ito ay aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak!’ Sinasabi ko sa inyo, gayun din ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi’t tumalikod sa kanyang kasalanan.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas