SUNDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  December 29,  2024. 7a.m.

SUNDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. December 29, 2024. 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Sunday Mass Begins Kapistahan ng Banal na Mag-anak Hesus, Maria at Jose (K) December 29, 2024 Last SUNDAY of 2024 Sunday Mass || Feast of the Holy Family of Jesus, Mary and Joseph UNANG PAGBASA Sirac 3, 3-7. 14-17a Pagbasa mula sa aklat ni Sirac Ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak, at iniutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina. Ang gumagalang sa kanyang ama’y nagbabayad na sa kanyang kasalanan, at ang nagpaparangal sa kanyang ina’y parang nag-iimpok ng kayamanan. Ang gumagalang sa kanyang ama’y paliligayahin naman ng kanyang mga anak, at ang panalangin niya’y agad diringgin ng Panginoon. Ang nagpaparangal sa kanyang ama at nagdudulot ng kaaliwan sa kanyang ina, ay tumatalima sa Panginoon; pahahabain ng Diyos ang kanyang buhay. Anak, kalingain mo ang iyong ama pag siya’y matanda na, at huwag mo s’yang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay. Pagpaumanhinan mo siya kapag nanlalabo na ang kanyang isip; huwag mo s’yang lalapastanganin ngayon nasa kasibulan ka na ng iyong lakas. Ang paglingap mo sa iyong ama ay di makakalimutan ng Panginoon, iyan ay magiging kabayaran sa iyong mga kasalanan. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 127, 1-2. 3. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot, ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan, ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay. Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga. Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya. Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain. Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem. Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. IKALAWANG PAGBASA 1 Juan 3, 1-2. 21-24 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan Isipin ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos – at iyan ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan; hindi nila kinikilala ang Diyos. Mga minamahal, sa ngayon, tayo’y mga anak ng Diyos, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Gayunman, alam nating sa pagparitong muli ni Kristo, tayo’y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang likas na kalagayan. Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating budhi, panatag ang ating loob na makalalapit sa Diyos. Tinatanggap natin ang anumang ating hingin sa kanya, sapagkat sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya. Ito ang kanyang utos: manalig tayo sa kanyang Anak na si Hesukristo, at mag-ibigan, gaya ng iniutos ni Kristo sa atin. Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. At sa pamamagitan ng Espiritung ipinagkaloob niya sa atin ay nalalaman nating nananatili siya sa atin. Ang Salita ng Diyos. MABUTING BALITA Lucas 2, 41-52 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Taun-taon, tuwing pista ng Paskuwa, ang mga magulang ni Hesus ay pumupunta ng Jerusalem. At nang labindalawang taon na siya, pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa. Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi siya kasama, siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. Hindi nila siya matagpuan, kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin. At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito. Siya’y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas