
CATHOLIC CHURCH MASS TODAY | Oct 15 NOVENA MASS TO OUR Lady MOTHER OF PERPETUAL HELP - Miyerkules
Catholic Holy Mass Today Oktubre 15, 2025 Featured Online Mass Nobena para sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo Miyerkules (I) Oktubbre 15 Featured Playback Mass. MABUTING BALITA Lucas 11, 42-46 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay niyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito nugnit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang mga iba. “Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.” Sinabi sa kaya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. PANALANGIN SA NOBENA NG MAHAL INA NG LAGING SAKLOLO Mahal na Ina ng laging saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Jesus upang maging Ina namin, Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina, Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng Iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalong lalo na ang biyayang ito ... (tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin) Noon ikaw ay nasa lupa minamahal na Ina ikaw buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban. Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay, kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ng aming panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob na pagpapasan ng krus tulad ng iyong banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ng kanyang muling pagkabuhay. Pinakamamahal na ina habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila, tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila samantalang idinalangin namin ang aming mga adhikain at ang mga adhikain ng lahat ng narito ngayon, mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming ina tulungan mo kami makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom mong sugat ng mga pusong wasak, inaapi at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya. Pinakamamahal na Ina tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa buong tiwala naming isinasalaysay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan. AMEN. AMING INA NG LAGING SAKLOLO, Ipanalangin mo kami.