
CATHOLIC CHURCH LIVE MASS TODAY || FEB 21 SUNDAY MASS ONLINE | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Holy Mass Today February 21, 2025 Playback Online Mass Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) | 5:30 AM Pebrero 21 Featured Playback Sunday Mass. UNANG PAGBASA 1 Samuel 26, 2. 7-9. 12-13. 22-23 ALELUYA Juan 13, 34 Aleluya! Aleluya! Bagong utos, ani Kristo, mag-ibigan sana kayo katulad ng pag-ibig ko. Aleluya! Aleluya! SALMONG TUGUNAN Salmo 102, 1-2. 3-4. 8 at 10. 12-13 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. IKALAWANG PAGBASA 1 Corinto 15, 45-49 MABUTING BALITA Lucas 6, 27-38 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo ring ang kabila. Kapag inaagaw ang iyong balabal, ibigay mo pati ang iyong baro. Bigyan mo ang bawat nanghihingi sa iyo: at kung may kumuha sa iyong ari-arian ay huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. Gawin ninyo sa iba ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. “Kung ang iibigin lamang ninyo ang mga umiibig sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila. At kung ang gagawan lamang ninyo ng mabuti ang gumagawa sa inyo ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay gumagawa rin nito! Kung ang pahihiramin lamang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makababayad sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan sa pag-asang ang mga ito’y makababayad! Sa halip, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at gawan ninyo sila ng mabuti. Magpahiram kayo, na hindi umaasa sa anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasan. Sapagkat siya’y mabuti sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.” “Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin sa inyo.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #sundayholymasstoday #sunday #sundaymasslivetoday #sundaymasslive Saint Joseph Parish Gagalangin - RCAM