
Kawanggawa ni San Antonio | Disyembre 2024 | Series 12
Isinigawa noong Disyembre 13, araw ng Biyernes, ang Kawanggawa ni San Antonio. Ito ay ang programang inilungsad upang matularan ang mga dakilang gawain ni San Antonio de Padua. Ang ating pagkakawanggawa ngayong buwan ay pinangunahan ng mga miyembro ng Knights of Columbus at Extraordinary Ministers of the Holy Communion na idinaos sa ating Dambana at ang naging pangunahing sentro ng ating pagkakawanggawa ay ang mga Alternative Learning System (ALS) Students. Ang pagdiriwang naman ng Banal na Misa ay pinangunahan ng ating Rektor at Kura Paroko, Rdo. P. Emil Urriquia. Nawa'y ang mga ganitong gawain ay lalong magpatibay ng ating pagdedebosyon at magpaalab sa ating pagmimisyon. Salamat, San Antonio! Praedicator Communications | 2024 #NationalShrineofSanAntonioDePadua #PilaBayangPinagpala #PilaSentroNgDebosyon #PilaLaguna #PambansangDambana #TradisyonDebosyonMisyon #CatholicPhilippines