HOLY FILIPINO MASS TODAY || Oct 31 ONLINE MASS | REV. FR. DOUGLAS BADONG
Catholic Church Mass Today Oct0ber 31, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest Oktubre 31 Featured Playback . Banal na Misa Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 30th Week in Ordinary Time. Filipino Live Mass Today ALELUYA Juan 10, 27 Aleluya! Aleluya! Ang tinig ko’y pakikinggan ng kabilang sa ‘king kawan, ako’y kanilang susundan. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 14, 1-6 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. Lumapit kay Hesus ang isang taong namamanas. Kaya’t tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, “Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?” Ngunit hindi sila umimik, kaya hinawakan ni Hesus ang maysakit, pinagaling saka pinayaon. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Kung kayo’y may anak o bakang mahulog sa balon, hindi ba ninyo iaahon kahit Araw ng Pamamahinga?” At hindi sila nakasagot sa tanong na ito. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!