
HOLY FILIPINO MASS TODAY || Sept 20 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Church Mass Today September 20, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest Setyembre 20 Featured Playback . Banal na Misa Sabado ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 24th Week in Ordinary Time. ALELUYA Aleluya! Aleluya! Ang Salitang mula sa D’yos kapag isinasaloob ay mamumunga nang lubos. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 8, 4-15 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, dating nang dating ang mga taong nanggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Hesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghagang ito: “May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito’y tinuka ng mga ibon. May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig. May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo. Ang iba’y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-iisandaang butil.” At malakas niyang idinugtong, “Makinig ang may pandinig!” Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinhagang ito. Sumagot si Hesus, “Sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng mga talinghaga, upang: ‘Tumingin man sila’y hindi makakita; At makinig man sila’y di makaunawa.’ Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang salita ng Diyos. Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas. Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso. Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad. Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya’t hindi nahinog ang kanilang mga bunga. Ang mga nahasik naman sa matabang lupa’y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila’y nagtitiyaga hanggang sa mamunga.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!