Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time (Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon) (K)
October 19, 2025 Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Exodo 17, 8-13 Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Sa pangalan ng Maykapal tayo ay tinutulungan. 2 Timoteo 3, 14 – 4, 2 Lucas 18, 1-8 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa. “Sa isang lungsod,” wika niya, “may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: “Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala – baka pa ako mainis sa kapaparito niya.” At sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Voice Overlay Gospel Reading: Rev Fr Francis Mahilum, CICM 1st Reading and Psalms: Rina Ilagan 2nd Reading : Albert Marcelo Video Editor : AlO #catholicmass #holymass #biblereading #stonino #catholicmass #holymass #biblereading #katoliko #katolika #katolik #catholic #pasko #mulingpagkabuhay #easter #resurrection #lordsresurrection #gospel #holyspirit #hope #scripture #grace #truth #godisgood #salvation #biblestudy #christianliving #amen #worship #christianlife #godsword #jesussaves #jesuslovesyou #wordofgod