 
    Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 23 Sep 2024 7a.m.
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari Lunes ng Ika-25 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. September 23, 2024 UNANG PAGBASA Kawikaan 3, 27-34 Pagbasa mula sa aklat ng mga Kawikaan Aking anak, ang kagandahang-loob ay huwag ikait sa kapwa, kung ika’y may kakayahan na ito ay magawa. Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan, huwag nang sasabihing, “Bumalik ka’t bukas ibibigay.” Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibigan sa sa iyo’y umaasa, nagtitiwalang lubusan. Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan, kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan. Huwag kang mangingimbulo sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas. Pagkat ang Panginoon ay nasusuklam sa mga balakyot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot. Ang sumpa ng Panginoon di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala. Ang mga palalo’y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinagigiliwan ang may mababang kalooban. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 14, 2-3ab. 3kd-4ab. 5 Sino kaya ang papasok sa bahay mo, Poong Diyos? Yaong mga masunurin na sa iyo’y nakikinig, at ang laging ginagawa’y naaayon sa matuwid, kung mangusap ay totoo, sa lahat at bawat saglit, yaong gawang paninira’y hindi niya naiisip. Sino kaya ang papasok sa bahay mo, Poong Diyos? Kailanman, siya’y tapat makisama sa kapwa, sa kaniyang kaibiga’y wala siyang maling gawa; hindi siya nagkakalat ng di tunay na balita. At itinatampok niya ang matapat sa lumikha. Sino kaya ang papasok sa bahay mo, Poong Diyos? Hindi siya humihingi ng patubo sa pautang, at kahit na anong gawi’y hindi siya masuhulan, upang yaong walang sala’y patawan ng kasalanan. Ang ganitong mga tao’y mag-aani ng tagumpay. Sino kaya ang papasok sa bahay mo, Poong Diyos? ALELUYA Mateo 5, 16 Aleluya! Aleluya! Dapat kayong magliwanag nang kabutiha’y mahayag at D’yos ang s’yang matanyag. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 8, 16-18 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at mabubunyag. Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niyang nasa kanya.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas
 
             
             
             
             
             
             
             
             
             
             
             
             
             
             
             
            