Daily Mass Readings Tagalog, January 12, 2024, Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Ang Mabuting Balita ng Panginoon January 12, 2024 Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon MABUTING BALITA Marcos 2: 1-12 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos Noong panahong iyon, bumalik si Hesus sa Capernaum, at kumalat ang balitang siya’y nasa kanyang tahanan. Kaya’t nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Hesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, kaya’t binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.” May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: “Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?” Talos ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, ‘Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka’? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” Sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!” Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila’y pawang nanggilalas at nagpuri sa Diyos. “Hindi pa kami nakakikita ng ganito!” sabi nila. Daily Mass Readings Tagalog Unang Pagbasa Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel 1 Samuel 8: 4-7. 10-22a Salmong Tugunan Salmo 88: 16-17. 18-19 Aleluya Lucas 7: 16