HOMILIYA SA IKASIYAM NA ARAW SIMBANG GABI | FR. JOEL

HOMILIYA SA IKASIYAM NA ARAW SIMBANG GABI | FR. JOEL

IKASIYAM NA ARAW SIMBANG GABI Fr. Joel's Homily MABUTING BALITA Lucas 1:67–79 NOONG panahong iyon, napuspos ng Espiritu Santo si Zacarias na ama ni Juan at nagpahayag ng ganito: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan, at nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas. Mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una, na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin. Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang at aalalahanin ang kanyang banal na tipan. Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham, na ililigtas tayo sa ating mga kaaway, upang walang takot na makasamba sa kanya, at maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo’y nabubuhay. Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan, at ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos; magbubukangliwayway sa atin ang araw ng kaligtasan upang magbigayliwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #MaryMirrorOfJusticeParish #VivaLaVirgenDeIustitia #Advent2021 #Adbiyento2021 #HalinaHesusHalina #OComeEmmanuel