Salmo 66 - Salmong Tugunan para sa ika 20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Salmo 66 - Salmong Tugunan para sa ika 20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Salmong Tugunan para sa ika - 20 ng Agosto, 2023 Musika Ni: D. Sedurifa Jr. Cantor: Jun Sedurifa Download Sheet Music: https://rb.gy/bua0p Download Minus One: https://rb.gy/wyetr Salmo 66: 2-3, 5, 6 at 8 Tugon: Nawa’y magpuri sa Iyo ang lahat ng mga tao. 1. O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan, kami Panginoo’y Iyong kaawaan, upang sa daigdig mabatid ng lahat ang Iyong kalooban at ang pagliligtas. (Tugon) 2. Nawa’y purihin Ka ng mga nilikha, pagkat matuwid Kang humatol sa madla; Ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Tugon) 3. Purihin Ka nawa ng lahat ng tao, purihin Ka nila sa lahat ng dako. Ang lahat sa ami’y Iyong pinagpala, nawa’y igalang Ka ng lahat ng bansa. (Tugon) COPYRIGHT © 2023 by MOJ Music Harmony ALL RIGHTS RESERVED non commercial and worship use permitted.