WEDNESDAY LIVE MASS TODAY  at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  January 8,  2024. 6a.m.

WEDNESDAY LIVE MASS TODAY at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. January 8, 2024. 6a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Miyerkules Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon | Jan. 08, 2025 Wednesday Mass | Wednesday after Epiphany UNANG PAGBASA 1 Juan 4, 11-18 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan Minamahal kong mga kapatid, yamang gayun kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong mag-ibigan. Walang taong nakakita sa Diyos kailanman, ngunit kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin siya at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig. Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. Nakita namin at pinatototohanang sinugo ng Ama ang kanyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang nagpapahayag na si Hesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama’y nananatili sa kanya. Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. Ang pag-ibig ay nagiging ganap kung hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo’y tulad ni Kristo, kahit nasa daigdig pang ito. Walang kalakip na takot ang tunay na pag-ibig sapagkat pinapawi ng pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 71, 2. 10-11. 12-13 Poon, maglilingkod sa ’yo tanang bansa nitong mundo. Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran: sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan; upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan, at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay. Poon, maglilingkod sa ’yo tanang bansa nitong mundo. Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya maghahandog ng kaloob, ihahain din sa kanya pati yaong mga hari ng Arabia at Etiopia, may mga kaloob ding taglay nilang alaala. Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya, mga bansa’y magpupuri’t maglilingkod sa tuwina. Poon, maglilingkod sa ’yo tanang bansa nitong mundo. Kanya namang ililigtas ang sinumang tumatawag, lalo yaong nalimot nang mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya’y lubhang nahahabag sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas. Poon, maglilingkod sa ’yo tanang bansa nitong mundo. ALELUYA 1 Timoteo 3, 16 Aleluya! Aleluya! Si Kristo naging tao, Hari ng langit at mundo. Sa kanya’y manalig tayo. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Marcos 6, 45-52 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos Matapos mapakain ang limang libong lalaki, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samatalang si Hesus ay nag-iisa sa katihan. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #livemasstoday Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas