
HOLY FILIPINO MASS TODAY || Sept 22 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Church Mass Today September 22, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest Setyembre 22 Featured Playback . Banal na Misa Lunes ng Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 23rd Week in Ordinary Time. ALELUYA Mateo 5, 16 Aleluya! Aleluya! Dapat kayong magliwanag nang kabutiha’y mahayag at D’yos ang s’yang matanyag. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 8, 16-18 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at mabubunyag. Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niyang nasa kanya.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.