FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Sep 18, 2025. 6a.m
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) September 18, 2025 HUWEBES sa IKA-24 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Twenty-Fourth Week || Healing Thursday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA 1 Timoteo 4, 12-16 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, huwag mong bigyang-daan na hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, pagsikapan mong maging huwaran ng mga sumasampalataya: sa pananalita, ugali, pag-ibig, pananampalataya, at kabanalan. Iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa madla, sa pangangaral at pagtuturo hanggang sa ako’y dumating. Huwag mong pabayaan ang ipinagkaloob sa iyo ng Espiritu Santo ayon sa inihula nang ipatong sa iyo ng matatanda sa simbahan ang kanilang kamay. Isagawa mo ang mga ito at lubos mong italaga rito ang iyong sarili upang makita ang lahat ang iyong pag-unlad. Maging maingat ka sa iyong pagkilos at pagtuturo. Patuloy mong isagawa ang mga bagay na ito upang maligtas ka pati ang mga nakikinig sa iyo. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 110, 7-8. 9. 10 Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. o kaya: Aleluya. Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat, at maaasahan lahat niyang batas. Ito ay lalagi at di magwawakas, pagkat ang saliga’y totoo’y matapat. Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. Kaligtasa’y dulot sa mga hinirang, may ipinangakong walang hanggang tipan; banal at dakila ang kanyang pangalan. Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. Ang taong may nais na siya’y dumunong, sa Poon matakot yaong taong iyon; sa palasunurin ay tapat ang hatol, at pupurihin pa sa buong panahon! Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. ALELUYA Mateo 11, 28 Aleluya! Aleluya! Kayong mabigat ang pasan ay kay Hesus maglapitan upang kayo’y masiyahan. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 7, 36-50 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, inanyayahan si Hesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumaroon siya sa bahay nito at dumulog sa hapag. Sa bayan namang yaon ay may isang babae na kilalang makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya’t nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro. At lumapit siya sa likuran ni Hesus, sa gawing paanan. Siya’y nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Hesus, nasabi nito sa sarili, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kanya — isang makasalanan!” Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Hesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sumagot siya, “Ano po iyon, Guro?” Sinabi ni Hesus, “May dalawang taong nanghiram sa isang nagpapautang; ang isa’y limandaang denaryo at ang isa nama’y limampu. Nang hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sino sa kanila ang lalong nagmamahal sa nagpautang?” Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po’y ang pinatawad ng malaking halaga.” “Tama ang sagot mo,” ang tugon ni Hesus. Nilingon niya ang babae, at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ng kanyang buhok. Hindi mo ako hinagkan, ngunit siya, mula nang pumasok siya ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa. Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo, subalit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. Kaya’t sinasabi ko sa iyo, ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang kasalanan; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti lang ang pagmamahal na ipinamamalas.” Saka sinabi sa babae, “Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan.” At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, “Sino ba itong pati pagpapatawad sa kasalanan ay pinangangahasan?” Ngunit sinabi ni Hesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananalig; yumaon ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas