Mga Pagbasa ngayong Sabado | Ika-10 ng Agosto 2024 | Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Mga Pagbasa ngayong Sabado Ika-10 ng Agosto 2024 Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon UNANG PAGBASA 2 Corinto 9: 6-10 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto. Mga kapatid, ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng marami ay mag-aani ng marami. Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay – higit pa sa inyong pangangailangan — upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan: “Siya’y namudmod sa mga dukha; walang hanggan ang kanyang kabutihan.” Ang Diyos na nagbigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang inyong kabutihang loob. Ang Salita ng Diyos. MABUTING BALITA Juan 12: 24-26 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan. Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tandaan ninyo: malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito’y mamumunga nang marami. Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang naglilingkod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroon din ang aking lingkod. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #filipinoholyeucharist #gospel #MabutingBalita #fypシviralシ2024 #fypviralシ #fypシ゚viral #fypシ゚ #viralshorts #foryourpage #devotion ============================== Send your prayer petition and prayer request to [email protected] and we include your request into our 2000 Hail Mary's Devotion to Our Blessed Virgin Mary every 1st Saturday of the month.