
Salmo 26 | Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. • Gen Monder
Psalmist: Gen Monder Pianist: Rob Amarante Music: Rolly Ocampo • March 16, 2025 Salmo | Salmo 26: Pang... ⚜️⚜️⚜️⚜️ Salmong Tugunan (Slm 26) T—Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. 1. Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan,/ kaya walang takot ako kaninuman;/ sa mga panganib kanyang iingatan,/ kaya naman ako’y walang agam-agam. (T) 2. O Diyos, ako’y dinggin sa aking pagtawag,/ lingapin mo ako, sa aki’y mahabag./ Ang paanyaya mo’y “Lumapit sa akin.”/ Huwag kang magkukubli’t kita’y hahanapin! (T) 3. H’wag kang magagalit, huwag mong itatakwil/ akong katulong mo at iyong alipin;/ Tagapagligtas ko, h’wag akong lisanin! (T) 4. Ako’y nananalig na bago mamatay/ masasaksihan ko ang ’yong kabutihan/ na igagawad mo sa mga hinirang./ Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!/ Ating patatagin ang paniniwala;/ tayo ay umasa sa kanyang kalinga! (T)