
Daily Gospel Tagalog l Daily Mass Readings l December 30, 2023 I Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Ang Mabuting Balita ng Panginoon December 30, 2023 Ika-6 na Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang MABUTING BALITA Lucas 2, 36-40 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, naroon sa templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem. Nang maisagawa ng mga magulang ni Hesus ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang batang si Hesus ay lumaking malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. Daily Mass Readings Tagalog Unang Pagbasa Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan 1 Juan 2: 12-17 Salmong Tugunan Salmo 95: 7-8a. 8b-9. 10 Aleluya #pagkaingespirituwal #gospeltagalog #mabutingbalita #angmabutingbalitangpanginoon #massreadingtagalog