Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  4 Nov  2024  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 4 Nov 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Lunes ng Ika-31 Linggo sa KARANIWANG PANAHON. November 04, 2024 UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, nagbibigay ba sa inyo ng kasiglahan ang buhay na nakaugnay kay Kristo? Naaaliw ba kayo ng kanyang pag-ibig? May pagkakaisa ba kayo sa Espiritu Santo? Kayo ba’y may nadaramang hangarin na tumulong sa iba? Kung gayun, lubusin ninyo ang aking kagalakan — maghari sa inyo ang pagkakasundo, mabuklod kayo ng iisang pag-ibig at maging isa kayo sa puso’t diwa. Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa kayo at huwag ipalagay na kayo’y mabuti kaysa iba. Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. O Panginoon ko, ang pagmamataas, Tinalikdan ko na at iniwang ganap; Ang mga gawain na magpapatanyag Iniwan ko na rin, di ko na hinangad. Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Mapayapa ako at nasisiyahan, tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay. Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Kaya mula ngayon, ikaw, O Israel, sa ’yong Panginoon, magtiwalang tambing! Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. ALELUYA Juan 8, 31b-32 Aleluya! Aleluya! Kapag ang aking salita sa inyo’y naidambana, taglay n’yo and aking diwa. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 14, 12-14 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa pinuno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka na. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihin ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas