Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  8 Nov  2024  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 8 Nov 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Biyernes ng IKA-31 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. November 08, 2024 UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magkaisa kayong tumulad sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Kami ang gawin ninyong huwaran. Masdan ninyo ang lahat ng sumusunod sa mga halimbawang ito. Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo – at ngayo’y luhaang inuulit ko – marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Kristo. Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya at ang pinag-uukulan lang nila ng pansin ay ang mga bagay na panlupa. Sa kabilang dako, ang langit ang tunay nating bayan. Mula roo’y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Hesukristo, ang ating Tagapagligtas. Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay. Kaya nga, minamahal kong mga kapatid – aking kagalakan at karangalan na lagi kong kinasasabikang makita uli – magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Ako ay nagalak, sa sabing ganito: “sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!” Sama-sama kami matapos sapitin, ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem. Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo, maganda ang ayos nang muling matayo. Dito umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel upang magsambahan. Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Ang hangad, ang Poon ay pasalamatan, pagkat ito’y utos na dapat gampanan. Doon din naroon ang mga hukuman at trono ng haring hahatol sa tanan. Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. ALELUYA 1 Juan 2, 5 Aleluya! Aleluya! Lubos na magtatamasa ng pag-ibig ng D’yos Ama ang sumunod sa Anak n’ya. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 16, 1-8 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya at tinanong: ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa inyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.’ Nawika ng katiwala sa sarili, ‘Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. A, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.’ Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una, ‘Gaano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito, ‘Sandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Sandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ wika niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas