
Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 16 Nov 2024 7a.m.
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Sabado ng Ika-32 Linggo sa KARANIWANG PANAHON. November 16, 2024 Paggunita kay Santa Margarita ng Escocia Paggunita kay Santa Gertrudes, dalaga UNANG PAGBASA 3 Juan, 5-8 Pagbasa mula sa ikatlong sulat ni Apostol San Juan Mahal kong kaibigang Gayo, ang iyong paglilingkod sa mga kapatid, kahit hindi mo kilala, ay nagpapatunay na tapat ka. Nagpatotoo sila sa simbahan rini tungkol sa iyong pag-ibig. At lalong mabuti kung matulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, gaya ng nararapat sa mga lingkod ng Diyos. Sapagkat humayo sila sa ngalan ni Kristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di kumikilala sa Diyos. Dapat natin silang tangkilikin upang tayo’y makatulong sa pagpapalaganap ng katotohanan. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 111, 1-2. 3-4. 5-6 Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob. o kaya: Aleluya. Mapalad ang tao na may takot sa Diyos, Siyang sumusunod nang buong alindog. Ang kanyang lipi’y magiging dakila, pati mga angkan ay pinagpapala. Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob. Magiging sagana sa kanyang tahanan katarungan niya’y walang katapusan. Ang taong matuwid, may bait at habag, kahit sa madilim taglay ay liwanang. Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob. Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat. Hindi mabibigo ang taong matuwid, di malilimutan kahit isang saglit. Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob. ALELUYA 2 Tesalonica 2, 14 Aleluya! Aleluya! Tayo’y tinawag ng Diyos upang magningning na lubos sa aral ni Kristo Hesus. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 18, 1-8 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa. “Sa isang lungsod,” wika niya, “may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: ‘Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala – baka pa ako mainis sa kapaparito niya,’” At sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas