SALMO 120 - Sa pangalan ng Maykapal tayo ay tinutulungan.

SALMO 120 - Sa pangalan ng Maykapal tayo ay tinutulungan.

Salmo 120:1-2, 3-4, 5-6, 7-8 Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon, K Music Sheet:   / iampsalmist   RCRamos (2019) Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Tugon: Sa pangalan ng Maykapal tayo ay tinutulungan. Sa gawi ng bundok, tumitingin ako, saan manggagaling ang aking saklolo? Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. (T) Huwag sana akong bayaang mabuwal, handang lagi Siya sa pagsasanggalang. Ang tagapagtanggol ng bayang Israel hindi natutulog at palaging gising. (T) Ang D’yos na Panginoon, Siyang magbabantay, laging nasa piling upang magsanggalang. Di ka magdaramdam sa init ng araw, kung gabi ay di ka masasaktan ng buwan. (T) Sa mga panganib, ika’y ililigtas nitong Panginoon, Siyang mag-iingat. Saanman naroon, ika’y iingatan, di ka maaano kahit na kailan. (T)