Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  10 Jun  2024  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 10 Jun 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Lunes ng Ika-10 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. June 10, 2024 UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 1-6 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga araw na iyon, nagsalita kay Acab si Elias na taga-Tesbi: “Isinusumpa ko, sa ngalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel na pinaglilingkuran ko: hindi uulan, ni hindi man lamang magkakahamog sa mga darating na taon hanggang hindi ko sinasabi.” Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Elias: “Umalis ka rito at magtago ka sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. Makaiinom ka ng tubig na batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain.” Gayun nga ang ginawa niya: lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. Umaga’t hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain. Sa batis naman siya umiinom. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Sa pangalan ng Maykapal, tayo ay tinutulungan. Sa gawi ng bundok, tumitingin ako, saan manggagaling ang aking saklolo? Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. Sa pangalan ng Maykapal, tayo ay tinutulungan. Huwag sana akong bayaang mabuwal, handang lagi siya sa pagsasanggalang. Ang tagapagtanggol ng bayang Israel hindi natutulog at palaging gising. Sa pangalan ng Maykapal, tayo ay tinutulungan. Ang D’yos na Panginoon, siyang magbabantay, laging nasa piling, upang magsanggalang di ka magdaramdam sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan. Sa pangalan ng Maykapal, tayo ay tinutulungan. Sa mga panganib, ika’y ililigtas nitong Panginoon, siyang mag-iingat. Saanman naroon, ikaw iingatan, di ka maaano kahit na kailan. Sa pangalan ng Maykapal, tayo ay tinutulungan. ALELUYA Mateo 5, 12a Aleluya! Aleluya! Magdiwang kayo’t magsaya, sa langit ay liligaya, gagantimpalaan t’wina. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 5, 1-12 Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito: “Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. “Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. “Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos. “Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi. “Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. “Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. “Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya. “Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. “Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayun din ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas