Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  11 Jun  2024  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 11 Jun 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Paggunita kay San Bernabe, apostol. June 11, 2024 Martes ng Ika-10 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON UNANG PAGBASA Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, maraming naniwala at nanalig sa Panginoon. Nabalitaan ito ng simbahan sa Jerusalem, kaya’t sinugo nila sa Antioquia si Bernabe. Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos sa kanila, siya’y nagalak at pinagpayuhan silang lahat na manatiling tapat sa Panginoon. Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Espiritu Santo at matibay ang pananampalataya, kaya marami siyang nadala sa Panginoon. Nagpunta si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo, at nang kanyang matagpuan ay isinama sa Antioquia. Isang taong singkad silang nanatili roong kasa-kasama ng simbahan, at nagturo sa maraming tao. At doon sa Antioquia unang tinawag na Kristiyano ang mga alagad. May mga propeta at mga guro sa simbahan sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes. Samantalang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.” Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila’y pinayaon. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay. pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan, walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay. Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas. Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad. Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas! Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig; ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit! Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog, at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog. Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari. Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. ALELUYA Mateo 28, 19a. 20b Aleluya! Aleluya Humayo’t magturo kayo, palaging kasama ako hanggang sa wakas ng mundo. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 10, 7-13 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga katengon at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. Huwag kayong magdala ng salapi—maging ginto, pilak o tanso—sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay. “At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo’y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas