
Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 15 Sept 2023 7a.m.
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Online Biyernes sa Ika-23 na Linggo ng Karaniwang Panahon September 15, 2023 Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati Friday of the Twenty-third Week in Ordinary Time UNANG PAGBASA 1 Timoteo 1, 1-2. 12-14 Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Kristo Hesus na ating pag-asa – Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya: Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag, at kapayapaan buhat sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon. Nagpapasalamat ako kay Kristo Hesus na ating Panginoon, na nagbibigay sa akin ng lakas para sa gawaing ito, sapagkat ako’y minarapat niya at hinirang na maging lingkod. Hinirang niya ako upang maglingkod sa kanya bagamat noong una’y nagsalita ako laban sa kanya. Bukod dito’y inusig ko siya’t nilait. Sa kabila nito’y kinahabagan ako ng Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong hindi pa ako naniniwala sa kanya. Iginawad sa akin ng Panginoon ang kanyang masaganang pagpapala, kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na nasa atin dahil sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus. Ang Salita ng Diyos. Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20 Poong D’yos na maibigin ako ay iyong sagipin. ALELUYA Aleluya! Aleluya! Magalak ka, Ina ng Diyos, sa tabi ng krus ni Hesus ikaw ay martir na lubos. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Juan 19, 25-27 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. o kaya: Lucas 2, 33-35 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria. “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.