For October 16, 2022 Mass | Salmo 120 (Version 2): Sa Pangalan Ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan.

For October 16, 2022 Mass | Salmo 120 (Version 2): Sa Pangalan Ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan.

INSTRUMENTAL:    • [INSTRUMENTAL Ver 2] October 19, 2025 Salm...   ENGLISH SALMO (Psalm 121):    • October 19, 2025 Psalm | Psalm 121: Our He...   Original Composition by: Rolly Ocampo 羅利 for October 16, 2022 Mass | Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 SALMONG TUGUNAN: Panginoong Nagliligtas Sa Tanang Bansa'y Nahayag. 1. Sa gawi ng bundok, tumitingin ako,/ saan manggagaling ang aking saklolo?/ Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula,/ sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. (T) SALMONG TUGUNAN: Panginoong Nagliligtas Sa Tanang Bansa'y Nahayag. 2. Huwag sana akong bayaang mabuwal,/ handang lagi siya sa pagsasanggalang./ Ang tagapagtanggol ng bayang Israel/ hindi natutulog at palaging gising. (T) SALMONG TUGUNAN: Panginoong Nagliligtas Sa Tanang Bansa'y Nahayag. 3. Ang D’yos na Panginoon, siyang magbabantay,/ laging nasa piling, upang magsanggalang/ di ka magdaramdam sa init ng araw,/ kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan. (T) SALMONG TUGUNAN: Panginoong Nagliligtas Sa Tanang Bansa'y Nahayag. 4. Sa mga panganib, ika’y ililigtas/ nitong Panginoon, siyang mag-iingat./ Saan man naroon, ikaw’y iingatan,/ di ka maaano kahit na kailan. (T) SALMONG TUGUNAN: Panginoong Nagliligtas Sa Tanang Bansa'y Nahayag.