[INSTRUMENTAL Ver 1] October 19, 2025 Salmo |Salmo 120: Sa Pangalan ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan

[INSTRUMENTAL Ver 1] October 19, 2025 Salmo |Salmo 120: Sa Pangalan ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan

with LYRICS & CHORDS:    • [Version 1] October 19, 2025 Mass | Salmo ...   ENGLISH SALMO (Psalm 121):    • October 19, 2025 Psalm | Psalm 121: Our He...   COMPLETE PSALMS, SALMO & INSTRUMENTALS for OCTOBER 2025:    • October 2025 Salmo, Psalms & Instrumentals   Music Composed by: Rolly Ocampo 羅利 for October 19, 2025 Mass | Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 SALMONG TUGUNAN: Sa Pangalan ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan. 1. Sa gawi ng bundok, tumitingin ako,/ saan manggagaling ang aking saklolo?/ Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula,/ sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. (T) SALMONG TUGUNAN: Sa Pangalan ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan. 2. Huwag sana akong bayaang mabuwal,/ handang lagi siya sa pagsasanggalang./ Ang tagapagtanggol ng bayang Israel/ hindi natutulog at palaging gising. (T) SALMONG TUGUNAN: Sa Pangalan ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan. 3. Ang D’yos na Panginoon, siyang magbabantay,/ laging nasa piling, upang magsanggalang/ di ka magdaramdam sa init ng araw,/ kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan. (T) SALMONG TUGUNAN: Sa Pangalan ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan. 4. Sa mga panganib, ika’y ililigtas/ nitong Panginoon, siyang mag-iingat./ Saan man naroon, ikaw’y iingatan,/ di ka maaano kahit na kailan. (T) SALMONG TUGUNAN: Sa Pangalan ng Maykapal Tayo Ay Tinutulungan.