
Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 11 DECEMBER 2024 a.m.
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Online MIYERKULES ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng PAGDATING NG PANGINOON. December 11, 2024 Paggunita kay San Damaso I, papa UNANG PAGBASA Isaias 40, 25-31 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Saan ninyo ngayon ipaparis ang Diyos? Siya’y kanino itutulad? Tumingin kayo sa sangkalangitan. Sino ba ang lumikha ng mga bituin? Sino ba ang sa kanila’y nagpapakilos at isa-isang tumatawag sa kanilang pangalan? Dahil sa kanyang kapangyarihan, isa ma’y wala siyang nakaligtaan. Israel, bakit ikaw ay nagrereklamo na tila di alintana ng Panginoon ang kabalisahan mo, at tila di pansin ang iyong kaapihan? Di ba ninyo alam, di ba ninyo talos, na itong Panginoon ang walang hanggang Diyos? Siya ang lumikha ng buong daigdig, hindi siya napapagod; sa isipan niya’y walang makatatarok. Ang mga mahina’t napapagal ay pinalalakas. Kahit kabataan ay napapagod at nanlulupaypay. Ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay magpapanibagong sigla. Ang lakas nila’y matutulad sa walang pagod na pakpak ng agila. Sila’y tatakbo nang tatakbo ngunit di manghihina, lalakad nang lalakad ngunit hindi mapapagod. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 102, 1-2. 3-4. 8 at 10 Panginoo’y papurihan, aba kong sariling buhay. Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa, ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina. Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan, at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan. Panginoo’y papurihan, aba kong sariling buhay. Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad, ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas, at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag. Panginoo’y papurihan, aba kong sariling buhay. Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos, kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos. Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway; di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan. Panginoo’y papurihan, aba kong sariling buhay. ALELUYA Aleluya! Aleluya! Panginoon nagliligtas sa ati’y darating tiyak mapalad s’yang makaharap. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 11, 28-30 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus: “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas