FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Oct 23,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Oct 23, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) October 23, 2025 HUWEBES sa IKA-29 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Twenty-NINTH Week || Healing Thursday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Roma 6, 19-23 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Mga kapatid, nagsasalita ako sa karaniwang paraan para madali ninyong maunawaan. Kung paanong ipinailalim ninyo ang inyong sarili sa karumihan at sa kasamaang palala nang palala, ngayon nama’y ihandog ninyo ang inyong sarili sa katuwiran sa ikapagiging-banal ninyo. Noong alipin pa kayo ng kasalanan, hindi kayo saklaw ng katuwiran. Ngunit ano nga ang napala ninyo sa mga bagay na iyon na ikinahihiya ninyo ngayon? Ang kinauuwian ng mga ito ay kamatayan. Ngunit ngayong pinalaya na kayo mula sa kasalanan at mga alipin na ng Diyos, ang natamo ninyo’y kabanalan at ang kauuwia’y buhay na walang hanggan. Sapagkat kamatayan ang kabayaraan ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama, upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa; hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila. Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral, ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw. Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan, sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan, at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay. Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis, siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip. Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat, ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak. Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. ALELUYA Filipos 3, 8-9 Aleluya! Aleluya! Tana’y aking tatalikdan upang si Kristo’y makamtan bilang tanging pakinabang. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 12, 49-53 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, Ang ina at ang anak na babae, At gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas