
Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 29 May 2023. 7a.m.
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Online Tuesday of the 8th Week in Ordinary Time. May 30, 2023 Martes sa Ika-8 Linggo ng Karaniwang Panahon UNANG PAGBASA Sirak 35, 1-15 Pagbasa mula sa aklat ni Sirak Parang nang nag-alay ng maraming handog ang sumusunod sa Kautusan: Sapagkat ang tumatalima sa mga utos ay para nang nag-alay ng mga handog na pinagsasaluhan; ang tumatanaw ng utang-na-loob ay para nang naghandog ng mainam na harina, at ang nagkakawanggawa ay para nang nag-alay ng handog ng pasasalamat. Umiwas ka sa masama at kalulugdan ka ng Panginoon, mag-ingat kang huwag makaapi at para ka nang nagbayad-puri para sa iyong sala. Huwag kang haharap sa Panginoon ng walang dalang anuman, sapagkat ang lahat ng handog na ito ay itinatagubilin ng Kautusan. Kapag ang taong matuwid ay nag-alay ng kanyang handog, ang bango ng taba na sinusunog sa dambana ay pumapailanlang hanggang sa luklukan ng Kataas-taasan. Kinalulugdan ng Panginoon ang handog ng taong matuwid sa kanya, ito’y isang alaala na hindi niya malilimutan. Parangalan mo ang Panginoon nang buong katapatan, at huwag mong panghinayangan ang mga unang bungang inihahandog mo sa kanya. Ialay mo ang iyong handog nang may ngiti sa mga labi, at magbigay ka ng ikapu nang may galak sa puso. Maghandog ka sa Panginoon nang ubos-kaya, maging bukas-palad ka sa kanya, gaya ng ginawa niya sa iyo. Ang Panginoon ay masaganang gumanti, gagantihan ka niya nang pitong ibayo. Huwag mong susuhulan ang Panginoon, sapagkat di siya tumatanggap ng suhol, huwag kang aasa sa handog na galing sa masamang paraan. Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan, wala siyang itinatanging sinuman. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 49, 5-6. 7-8. 14 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin, silang tapat sa tipan ko’t naghahandog niyong hain. Ang buong kalangita’y naghahayag na ang Diyos, isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos. Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Kayong aking mga lingkod, makinig sa sasabihin; ako ay Diyos, ang inyong Diyos, salita ko’y unawain; ako’y mayroong patotoo’t saksi laban sa Israel. Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog, ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog. Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat. Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin. Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. ALELUYA Mateo 11, 25 Aleluya! Aleluya! Papuri sa Diyos Ama pagkat ipinahayag n’ya Hari s’ya ng mga aba. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Marcos 10, 28-31 Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #CatholicMass #BanalNaMisa #HolyMass