
Catholic Mass Today Live at SANTO PADRE PIO NATIONAL SHRINE - BATANGAS. 13|DEC|2024 6:40a.m.
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins Online Paggunita kay Santa Lucia, dalaga at martir BIYERNES ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng PAGDATING NG PANGINOON. December 13, 2024 UNANG PAGBASA Isaias 48, 17-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ganito ang sabi ng Banal ng Israel, ng Panginoon mong sa iyo’y tumubos: “Ako ang Panginoong iyong Diyos. Tuturuan kita para ka umunlad, papatnubayan kita saan ka man pumunta. Kung sinusunod mo lang ang mga utos ko, pagpapala sana’y dadaloy sa iyo, parang ilog na di natutuyo ang agos. Tagumpay mo sana ay sunud-sunod, parang dating ng alon sa dalampasigan. Ang lahi mo sana’y magiging sindami ng buhangin sa dagat, at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama, upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa; hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila. Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral, ang utos ng Poon siyang binubuhay sa gabi at araw. Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan, sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan, at anumang gawin ay nakatitityak na magtatagumpay. Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis, siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip. Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat, ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak. Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. ALELUYA Aleluya! Aleluya! Ang Panginoo’y darating siya’y ating salubungin s’ya’y kapayapaan natin. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 11, 16-19 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro, ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!’ Sapagkat naparito si Juan na nag-aayuno at di umiinom ng alak, at sinasabi nila, ‘Inaalihan siya ng demonyo!’ Naparito rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom, at sinasabi naman nila, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at naglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas