FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Sep 24,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Sep 24, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) September 24, 2025 MIYERKULES sa IKA-25 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Twenty-Fifth Week || Healing Wednesday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Esdras 9, 5-9 Pagbasa mula sa aklat ni Esdras Sa oras ng paghahandog, akong si Esdras ay tumindig na gulanit ang kasuotan at nanikluhod sa harapan ng Panginoon. Ganito ang idinaing ko sa kanya: “Diyos ko, hindi ako makatingin sa iyo dahil sa kahihiyan bunga ng kasamaan naming suko sa langit. Mula sa kapanahunan ng aming mga magulang hanggang ngayon, hindi na kami nakaahon sa kasalanan. Dahil dito, kami, ang aming mga hari at mga saserdote, ay binayaan niyang mabihag, patayin, dambungin at ibilad sa kahihiyan ng iba’t ibang hari. At ngayon, kahabagan ninyo kami. Niloob ninyong may ilang matira sa amin at muling binigyan ng puwang sa lupaing ito na inyong itinangi. Muli ninyong isinilay sa amin ang inyong paningin at binigyan kami ng pagkakataong makaahon sa pagkaalipin. Naging alipin nga kami sa mahabang panahon, gayunma’y hindi ninyo kami pinabayaan. Pinukaw ninyo ang kalooban ng hari ng Persia. Kaya, binigyan niya kami ng pagkakataong maitayo uli ang iyong templo, at ayusin ang kasiraan, upang makapanirahan kaming tiwasay sa Juda at sa Jerusalem. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Tobit 13, 2. 3-4a. 4bkd. 5. 8 Ang Diyos na walang hangga’y atin ngayong papurihan. D’yos ay nagpaparusa na taglay ang habag kung tayo ma’y malibing, sa hukay masadlak, muling hinahango niya’t binubuhay. Walang makatatakas sa kanyang kapangyarihan. Ang Diyos na walang hangga’y atin ngayong papurihan. Kayong Israelita, papurihan ninyo ang Diyos sa harap ng mga Hentil na pinagtapunan sa inyo. Ang Diyos na walang hangga’y atin ngayong papurihan. Doo’y ipinakita sa inyo ang kanyang kapangyarihan, siya ay purihin ng bawat nilalang, ang Panginoong ating Diyos, na walang hanggan. Ang Diyos na walang hangga’y atin ngayong papurihan. Pinagdusa man kayo sa inyong kasalanan, ngunit kahahabagan kayo, at muling ibabalik sa inyong tahanan mula sa mga bansang umalipin sa inyo. Ang Diyos na walang hangga’y atin ngayong papurihan. Talikdan na ninyo ang inyong mga kasalanan at mamuhay kayo nang karapat-dapat sa harapan niya. Kung magkagayon, ang habag ng Panginoon ay inyong madarama. Ang Diyos na walang hangga’y atin ngayong papurihan. ALELUYA Marcos 1, 15 Aleluya! Aleluya! Ang D’yos ay maghahari na, talikdan ang tanang sala, manalig sa balita n’ya. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 9, 1-6 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, tinawag ni Hesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan at kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga karamdaman. At sinugo niya sila upang ipahayag ang paghahari ng Diyos at magpagaling ng mga maysakit. Sila’y pinagbilinan niya: “Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong paglalakbay kahit tungkod, supot, tinapay, salapi o bihisan. Makituloy kayo sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. At sakaling hindi kayo tanggapin, umalis kayo roon, at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa bilang babala sa kanila.” Kaya’t humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon, na ipinangangaral ang Mabuting Balita at nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas