FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Oct 15,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Oct 15, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) October 15, 2025 Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan MIYERKULES sa IKA-28 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Twenty-EIGHT Week || Healing Wednesday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Roma 2, 1-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, palibhasa, ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng gayun. Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa niyon. Akala mo ba’y makaiiwas ka sa hatol ng Diyos kung hatulan mo ang mga gumagawa ng mga maling gawaing ginagawa mo rin? O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya’y napakabuti, mapagpigil, at mapagpaumanhin? Hindi mo ba alam na binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at magbagong-buhay kaya napakabuti niya sa iyo? Ngunit dahil sa katigasan ng iyong ulo at di pagsisisi, pinabibigat mo ang parusang ipapataw sa iyo sa paghahayag ng poot ng Diyos sa Araw ng kanyang paghatol. Sapagkat siya ang gaganti sa lahat ng tao ayon sa kanyang gawa. Ang mga nagpapatuloy ng paggawa ng mabuti sa paghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang-kamatayan ay bibigyan niya ng buhay na walang hanggan. Datapwat matinding galit at poot ang babagsak sa mga lumilikha ng pagkakabaha-bahagi at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kalikuan. Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayun din ang mga Griego. Ngunit karangalan, kapurihan at kapayapaan ang tatamuhin ng bawat gumagawa ng mabuti, una, ang mga Judio at gayun din ang mga Griego. Sapagkat ang Diyos ay di nagtatangi. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 61, 2-3. 6-7. 9 Ang D’yos ay may gantimpala sa may mabubuting gawa. Sa Diyos lamang ako tanging umaasa; ang kaligtasa’y nagbubuhat sa kanya. Tanging siya lamang ang Tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras! Ang D’yos ay may gantimpala sa may mabubuting gawa. Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa’y tanging nasa kanya. Tanging siya lamang ang Tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag. Akin ang tagumpay sa lahat ng oras! Ang D’yos ay may gantimpala sa may mabubuting gawa. Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas; Siya ang kublihang sa ati’y lulunas. Ang D’yos ay may gantimpala sa may mabubuting gawa. ALELUYA Juan 10, 27 Aleluya! Aleluya! Ang tinig ko’y pakikinggan ng kabilang sa ‘king kawan, ako’y kanilang susundan. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 11, 42-46 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay niyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito nugnit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang mga iba. “Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.” Sinabi sa kaya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas