FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Oct 03,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Oct 03, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) October 03, 2025 BIYERNES sa IKA-26 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Twenty-SIXTH Week || Healing Friday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Baruc 1, 15-22 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Baruc Matuwid ang Panginoon naming Diyos. Ngunit lipos kami ng kadustaan hanggang ngayon – kaming mga taga-Juda, mga mamamayan ng Jerusalem, pati aming mga hari, mga pinuno, mga saserdote, mga propeta at mga ninuno – pagkat nagkasala kami sa Panginoon naming Diyos. Nilabag namin ang kanyang mga utos. Hindi kami nakinig sa kanya. Hindi namin sinunod ang mga tuntuning ibinigay niya sa amin. Mula nang ang mga ninuno namin ay ilabas ng Panginoon sa Egipto, patuloy kami ng pagtataksil sa kanya hanggang ngayon. Naging suwail kami. Kaya ngayon ay naghihirap kami. Nagaganap sa amin ang sumpa na ibinabala ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises nang ang mga ninuno namin ay ialis niya sa Egipto at dalhin sa isang lupaing mayaman at masagana sa lahat ng bagay. Hindi namin pinakinggan ang mga salita ng Panginoon naming Diyos sa pamamagitan ng mga propeta. Ang sinunod nami’y ang masasamang hilig at panay kasamaan ang aming ginawa. Sumamba kami sa mga diyus-diyusan at gumawa kami ng kinasusuklaman ng Panginoon. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 78, 1-2. 3. 5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon, iligtas mo kami ngayon. Panginoong Diyos, pinasok ng Hentil ang lupang pangako, hayo’t iyong masdan! Winasak ang lungsod, ang banal mong templo ay nilapastangan; Ang mga katawan ng mga lingkod mo’y ginawang pagkain niyong mga ibon, ang kanilang laman, sa mga halimaw ay ipinalamon. Dahil sa ngalan mo, Poon, iligtas mo kami ngayon. Dugo ng bayan mo’y ibinubo nila, sa buong palibot nitong Jerusalem, animo ay tubig; sa dami ng patay ay walang naglilibing. Ang kalapit-bansang doo’y nakasaksi, hindi mapigilan yaong pagtatawa, lahat sa palibot ay humahalakhak sa gayong nakita. Iyang iyong galit sa amin, O Poon, hanggang kailan ba kaya matatapos? Di na ba titigil ang pagkagalit mong sa ami’y tutupok? Dahil sa ngalan mo, Poon, iligtas mo kami ngayon. Huwag mong parusahan kaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang, Ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa’y pumanaw. Dahil sa ngalan mo, Poon, iligtas mo kami ngayon. Mahabag ka sana, kami ay tulungan, Panginoong Diyos na Tagapagligtas, dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala’y patawaring ganap at ang pagpupuri sa iyo ng madla’y hindi maglilikat. Dahil sa ngalan mo, Poon, iligtas mo kami ngayon. ALELUYA Salmo 94, 8ab Aleluya! Aleluya! Dinggin ninyong lahat ngayon ang tinig ng Panginoon sa loob na mahinahon. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 10, 13-16 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon sinabi ni Hesus, “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sana’y malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, Ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! “Ang nakikinig sa inyo’y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas