FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Sep 4,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Sep 4, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) September 4, 2025 HUWEBES sa IKA-22 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Twenty-Second Week || Healing Thursday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Colosas 1, 9-14 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas Mga kapatid, mula nang marinig namin itong tungkol sa inyo, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na nawa’y puspusin niya kayo ng kaalamang kaloob ng Espiritu upang lubusan ninyong maunawaan ang kanyang kalooban. Sa gayun, makapamumuhay kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa mabuting gawa, at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos. Idinadalangin din naming kayo’y patatagin niya sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan upang masaya ninyong mapagtiisan ang lahat ng bagay. At magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng Anak, tayo’y pinalaya at pinatawad sa ating mga kasalanan. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 97, 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas. Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad. Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas! Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig; ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit! Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog, at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog. Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari. Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. ALELUYA Mateo 4, 19 Aleluya! Aleluya! Sumunod kayo sa akin at kayo’y aking gagawing katambal ko sa tungkulin. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 5, 1-11 Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao. Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” Gayun nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat. Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya’y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y makasalanan.” Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli; gayun din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mamamalakaya ka ng mga tao.” Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus. Ang Mabuting Balita ng Panginoon #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas