FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Sep 6,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Sep 6, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) September 6, 2025 SABADO sa IKA-22 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Paggunita kay sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Twenty-Second Week || Healing Saturday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Colosas 1, 21-23 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas Mga kapatid, dati, kayo’y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong kasamaan. Ngunit dahil sa kamatayan ni Kristo, ginawa niya kayong mga kaibigan upang makaharap sa kanya nang walang kapintasan, banal, at walang batik. Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapangaral ng Mabuting Balitang ito na ipinahayag sa lahat ng tao. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 53, 3-4. 6 at 8 Ang D’yos ang s’yang tumutulong at sa aki’y nagtatangol. Makapangyarihang Diyos, ako ay iligtas, ipagsanggalang mo ng iyong lakas; dinggin mo, O Diyos, itong iyong anak, sa aking dalanging ngayo’y binibigkas. Ang D’yos ang s’yang tumutulong at sa aki’y nagtatangol. Batid kong ang Diyos ang aking katulong, tagapagsanggalang ko ang Panginoon. buong galak naman akong maghahandog ng pasasalamat sa Panginoong Diyos, dahilan sa kanyang mabuting kaloob. Ang D’yos ang s’yang tumutulong at sa aki’y nagtatangol. ALELUYA Juan 14, 6 Aleluya! Aleluya! Ikaw, O Kristo, ang Daan, ang Katotohana’t Buhay patungo sa Amang mahal. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 6, 1-5 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Hesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. “Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?” tanong ng ilang Pariseo. Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.” At sinabi pa niya sa kanila, “Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas