DAILY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  November 24,  2024. 7a.m

DAILY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. November 24, 2024. 7a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Online Daily Martes ng Ika-34 o Huling LINGGO sa Karaniwang Panahon (II) November 24, 2024 Morning Catholic Mass Livestream UNANG PAGBASA Pahayag 14, 14-19 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Akong si Juan ay tumingin, at nakita ko ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang nilikhang animo’y tao, may koronang ginto at may hawak na isang matalas na karit. Isa pang anghel ang lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang anihin sa lupa.” Ikinampay ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at nagapas ang anihin sa lupa. At isa pang anghel ang nakita kong lumabas sa templo sa langit; may hawak din siyang matalas na karit. Lumabas mula sa dambana ang isa ring anghel, ang namamahala sa apoy. Sinabi niya sa anghel na may matalas na karit, “Gamitin mo na ang iyong karit, at anihin mo ang mga ubas sa lahat ng ubasan sa lupa, sapagkat hinog na!” Kaya’t ikinampay ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa pisaan, na siyang matinding poot ng Diyos. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 95, 10. 11-12. 13 Panginoo’y paririto upang hatulan n’ya tayo. “Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin, “Sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain; sa paghatol sa nilikha, lahat ay pantay sa paningin.” Panginoo’y paririto upang hatulan n’ya tayo. Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan. Panginoo’y paririto upang hatulan n’ya tayo. Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal, paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan. Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay. Panginoo’y paririto upang hatulan n’ya tayo. ALELUYA Pahayag 2, 10k Aleluya! Aleluya! Manatili kang matapat hanggang iyong kamatayan pagkat buhay, aking bigay. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 21, 5-11 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.” Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?” Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.” At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas