Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  06 Sept  2023  7a.m.

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 06 Sept 2023 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Online Miyerkules sa Ika-22 na Linggo ng Karaniwang Panahon September 06, 2023 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time UNANG PAGBASA Colosas 1, 1-8 Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa kapatid nating si Timoteo — Sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Kristo: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama. Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginong Hesukristo, tuwing ipananalangin namin kayo. Sapagkat nabalitaan namin ang tungkol sa inyong pananampalataya kay Kristo Hesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng hinirang ng Diyos, dahil sa pag-asang kakamtan ninyo ang mga inihanda para sa inyo roon sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa inaasahan ninyong ito nang ang salita ng katotohanan, ang Mabuting Balita, ay ipangaral sa inyo. Ito’y lumaganap sa buong sanlibutan at nagdadala ng pagpapala, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig ninyo at maunawaan ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. Natutuhan ninyo ito kay Epafras, tapat na lingkod ni Kristo, mahal na kamanggagawa namin at kinatawan sa inyo. Sa kanya namin nalaman ang tungkol sa pag-ibig na ipinagkaloob sa inyo ng Espiritu. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 51, 10. 11 Ako ay nagtitiwala sa pag-ibig ng Lumikha. Kahoy na olibo sa tabi ng templo, ang aking katulad, nagtiwala ako sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas. Ako ay nagtitiwala sa pag-ibig ng Lumikha. Di ako titigil ng pasasalamat sa iyong ginawa, ang kabutihan mo’y ipahahayag ko, kasama ng magdla. Ako ay nagtitiwala sa pag-ibig ng Lumikha. ALELUYA Lucas 4, 18 Aleluya! Aleluya! Ikaw, Kristo ay sinugo upang sa dukha’y magturo, magpalaya sa bilanggo. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 4, 38-44 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa sinagoga at nagtungo sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyanan ni Simon, kaya’t ipinamanhik nila kay Hesus na pagalingin siya. Tumayo si Hesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na maalis ang lagnat, at nawala nga ito. Noon di’y tumindig ang maysakit at naglingkod sa kanila. Paglubog ng araw, ang lahat ng maysakit — anuman ang karamdaman — ay dinala ng kanilang mga kaibigan kay Hesus. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Nagsilabas sa marami ang mga demonyo, sabagay sigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit sinaway sila ni Hesus at hindi pinahintulutang magsalita, sapagkat nakikilala nila na siya ang Mesias. Nang mag-umaga na, umalis si Hesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag munang umalis. Subalit sinabi niya, “Dapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin ng pagkasugo sa akin.” At nangaral siya sa mga sinagoga sa Judea. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.